Panukalang magpapalit sa pangalan ng mga ranggo sa PNP, lusot na sa Senado

By Rod Lagusad October 09, 2018 - 04:56 AM

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang magbabago sa pangalan ng mga ranggo ng PNP.

Layon ng Senate Bill 2031 na maamiyendahan ang Section 28 ng Republic Act 6975 o mas kilala sa tawag na Department of Interior and Local Government Act of 1990.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson na siyang pangunahing may-akda ng panukala ay layon nito na maiwasan ang kalituhan sa pag-address sa mga pulis.

Aniya, ito rin ay daan para mapalapit ang mga pulis sa mga tao.

Dagdag pa ng senador ay pangangailangan sa rank classification system sa PNP dahil makaktulong ito sa pagpapaunlad ng koordinasiyon sa iba pang mga law enforcement agencies pagdating sa anti-crime at anti-terrorism operations.

Sa ilalim ng nasabing panukala ay magiging ganito na ang tawag sa mga ranggo sa PNP mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa, ang Director-General ay magiging Police General, ang Deputy Director-General ay magiging Police Lieutenant General, ang Director ay magiging Police Major General at ang Chief Superintendent ay magiging Police Brigadier General.

Habang ang Senior Superintendent ay magiging Police Colonel, ang Superintendent ay magiging Police Lieutenant Colonel, ang Chief Inspector ay magiging Police Major, ang Senior Inspector ay magiging Police Captain at ang Inspector ay magiging Police Lieutenant naman.

Samantala ang SPO4 ay Police Executive Master Sergeant, ang SPO3 ay magiging Police Chief Master Sergeant, ang SPO2 ay Police Senior Master Sergeant, ang SPO1 ay magiging Police Master Sergeant, ang PO3 ay magiging Police Staff Sergeant, ang PO2 ay magiging Police Corporal at ang PO1 ay magiging Patrolman o Patrolwoman.

TAGS: ping lacson, PNP, ping lacson, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.