Magnitude 3.5 na lindol yumanig sa Davao Occidental

By Justinne Punsalang October 08, 2018 - 11:38 PM

Niyanig ng isang magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental gabi ng Lunes.

Batay sa impormasyon mula sa PHIVOLCS, naganap ang lindol alas-10:54 ng gabi.

Naitala ang episentro ng pagyanig sa 48 kilometro timog silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim ang lindol na 137 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Pagtitiyak ng PHIVOLCS, walang idudulot na pagkasira sa mga ari-arian, o aftershocks ang naturang pagyanig.

TAGS: Davao Occidental, Jose Abad Santos, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Davao Occidental, Jose Abad Santos, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.