Recruitment ng militar sa mga eskwelahan, hindi na bago ayon kay Rep. Biazon
Naniniwala si House Committee on Defense Senior Vice Chair at Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na hindi na bago ang mga ulat na merong aktibidad ang komunistang grupo sa mga paaralan.
Ayon kay Biazon, hindi malabong totoo ang sinasabi ng militar na may recruitment ng mga estudyante ang komunistang grupo sa mg unibersidad at kolehiyo.
Sinabi nito na talaga namang ginagawang breeding ground ng leaders ang mga campus dahil dahil open naman kasi ang mga ito sa iba’t ibang ideyolohiya.
Paliwanag ng kongresista, nasa mga paaralan kasi ang lahat nang ideolohiya dahil sa murang isipan ng mga kabataan
Hindi aniya imposibleng tinatarget ang mga estudyante kaya tama lang na alisto rin ang mga awtoridad.
Responsibilidad anya ng pamahalaan na protektahan ang mga kabataan at maging ang mga institusyon para hindi mapasok at makapagkalat ng maling paniniwala ang mga kalaban ng gobyerno.
Sa impormasyon ng AFP, sangkot ang ilang unibersidad sa sinasabing Red October plot para pabagsakin ang administrasyong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.