Judge sa Parojinog case patay sa ambush sa Ozamiz City

By Den Macaranas October 08, 2018 - 07:36 PM

Dead-on-the-spot ang isang hukom makaraan siyang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Ozamiz City kaninang hapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Ozamiz City Regional Trial Court Branch 15 Judge Edmundo Pintac.

Sinabi ni Ozamiz City deputy police chief S/Insp. Allan Payla na pauwi na sa kanilang tahanan ang biktima nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek sa Brgy. Banadero.

Apat na mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo ang sinasabing nasa likod ng pamamaril.

Si Judge Pintac ang may hawak sa ilang mga kaso sa iligal na droga ng pamilya Parojinog.

Kaugnay nito ay bumuo na ng team ang Philippine National Police para tugisin ang mga suspek sa krimen.

TAGS: ambush, ozamiz city, parojinog, pintac, PNP, ambush, ozamiz city, parojinog, pintac, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.