Army chief bilang DSWD secretary umani ng suporta sa Kamara
Walang nakikitang masama si House Defense Committee Senior Vice Chairperson at Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa pagtatalaga ni Pangulong Duterte sa magreretirong si Army Chief Rolando Bautista bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Biazon, hindi na bago ang militar ang social services dahil meron din ang mga itong Civil Military Operations.
Paliwanag nito, nasa grassroots ang militar kaya alam din ng mga ito ang pangangailangan ng publiko.
Ang kailangan lamang anyang matutunan ng isang militar ay kung paano magdeliver ng serbisyo ang local government units.
Naniniwala din si Biazon na ang dahilan ng pagtatalaga ng pangulo kay Bautista ay dahil sa reliability at efficiency kung paano magtrabaho ang isang militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.