Pag-apruba sa P3.757T 2019 budget posibleng maantala ayon sa isang lider ng kamara

By Erwin Aguilon October 08, 2018 - 01:40 PM

Posibeng hindi maaprubahan ng Kamara ang P3.757 trillion national budget sa bago mag-adjourn ang Kongreso para sa kanilang Halloween break ngayong linggo.

Ayon kay Campostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, senior Vice-chairman House Committee on Appropriations,made-delay ang pagpapadala nila ng 2019 national budget sa Senado ngayong linggo dahil na rin sa umanoy P52 bilion insertions na ipina-realligned ni House Speaker Gloria Arroyo para ilaan sa mga mahahalagang proyekto para sa patas na pamamahagi ng pondo.

Nilinaw naman ni Zamora na tinitiyak ng liderato ni Arroyo na ginagawa nila ang lahat para maipasa ang national budget sa ikatlong pagbasa ngayong linggo .

Ginagawa na rin anya ng komite ang lahat para matugunan ang mga backlog na nangyari sa plenary schedule subalit siniguro niya na maipapasa pa rin ang 2019 budget sa takdang panahon.

Matapos ang 11 na araw na plenary deliberations, sa pamamagitan ng viva voce voting, ay inaprubahan sa ikalang pagbasa noong Miyerkules ng gabi ang national budget.

Matatandaan na pansamantalang na nabinbin ang plenary debate sa pambansang pondo matapos na madiskubre ang umanoy P52 billion insertions ng dating liderato ng Kamara na nakalaan para sa mga distrito ng ilang kongresista lamang kaya kinuwestyon ito sa plenaryo at nag convened ang Kamara bilang committee of the whole.

TAGS: Campostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, Pag-apruba sa P3.757T 2019 budget, posibleng maantala, senior Vice-chairman House Committee on Appropriations, Campostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, Pag-apruba sa P3.757T 2019 budget, posibleng maantala, senior Vice-chairman House Committee on Appropriations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.