LPA sa Silangan ng Cagayan, binabantayan ng PAGASA

By Rhommel Balasbas October 08, 2018 - 07:02 AM

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa Silangan ng Cagayan.

Sa 4am weather advisory ng weather bureau, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,030 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.

Hindi inaasahan ng PAGASA na magiging isang bagong bagyo ang LPA at sa ngayon ay wala itong epekto sa bansa.

Ngayong araw, maalinsangang panahon ang mararanasan sa buong bansa na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Ligtas ding makakapalaot ang mga mangingisda sa anumang baybaying dagat ng Pilipinas.

TAGS: 030 kilometro, binabantayan, LPA sa Silangan ng Aparri Cagayan, nasa layong 1, Pagasa, 030 kilometro, binabantayan, LPA sa Silangan ng Aparri Cagayan, nasa layong 1, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.