Haiti, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang hilagang-kanluran ng Haiti, 12:11AM ng Linggo (October 7).
Ayon sa U.S. Geological Survey, ang sentro ng lindol ay naitala 20 kilometers kanluran hilagang-kanluran ng Ti Port-de-Paix off north coast ng Haiti.
Naramdaman ang lakas ng pagyanig sa capital city ng Haiti na Port-au-Prince.
Sa kabila ng malakas na lindol, wala pa namang naiulat na nasaktan o nasawi at wala pa ring report ng mga nasirang ari-arian.
Ang Haiti ay “prone” sa mga lindol dahil ito ay nasa major fault lines sa tinatawag sa “Ring of Fire.”
Matatandaan na noong 2010, tumama ang magnitude 7.0 na lindol ang Haiti na ikinasawi na humigit-kumulang 200,000 hangggang 230,000 na indibidwal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.