Panibagong bawas-singil sa kuryente, ipatutupad ng Meralco
Good news!
Bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Oktubre, ayon sa Manila Electric Company o Meralco.
Sinabi ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, na bukas (October 8) ay kanilang i-aanunsyo kung magkano ang tapyas sa singil sa kuryente.
Pero may posibilidad aniya na nasa 15 centavos kada kilowatt hour ang kaltas sa singil, gaya ng ipinatupad noong Setyembre.
Ayon kay Zaldarriaga, bagama’t mahina ang palitan ng piso at lalong nagmamahal ang presyo ng produktong petrolyo ay wala pang inaasahang dagdag-singil sa kuryente dahil maayos ang suplay ng kuryente sa mga planta.
Batay naman sa Department of Energy o DOE, ang pagbawas sa transmission at generation charges ng Meralco ay rason din ng rate reduction sa kuryente.
Excerpt: Sinabi ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, na bukas (October 8) ay kanilang i-aanunsyo kung magkano ang tapyas sa singil sa kuryente
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.