Performance rating ng pangulo nananatiling “very good”
Mula sa dating +58 ay bumaba ng walong puntos sa +50 ang performance rating ni Pangulong Rodrigo Duterte ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nilinaw ng SWS na bagaman nabawasan ang puntos ng pangulo ay napanatili naman nito ang “very good” status.
Sa SWS survey na ginawa sa pagitan ng September 15 hanggang 23 gamit ang 1,200 respondents, umaabot sa 65 percent ng mga Pinoy ang nagsabing sila ay satisfied sa kasalukuyang administrasyon.
Umaabot sa 19 percent ang nagsabing hindi sila “satisfied” samantalang 15% naman ang nagsabing “dissatisfied sila sa general performance ng kasalukuyang pamahalaan.
Sa kabuuan ay napanatili ng pangulo ang “very good” status at nananatili itong mataas ayon pa sa SWS.
Sa Mindanao ay bumaba sa very good ang net satisfaction rating ng pangulo mula sa dating excellent.
Sa balance oof Luzon ay bumaba sa good mula sa dating very ang net satisfaction rating ng chief executive.
Sa hanay ng social classes ay bumaba ang ratings ng pangulo sa good mula sa dating very good ayon pa sa survey.
Sa kabuuan ay nakakuha ng very good rating ang pangulo sa mga pangunahing isyu sa bansa.
- Building and maintenance of public works (+66)
- Helping the poor (+63)
- Reconstructing Marawi City (+58)
- Protecting human rights (+54)
- Fighting terrorism (+53)
- It was good on:
- Fighting crimes (+43)
- Reconciling with communist rebels (+42)
- Reconciling with Muslim rebels (+41)
- Foreign relations (+40)
- Fulfilling commitments in international treaties (+40)
- Defending Philippine sovereignty in West Philippine Sea (+39)
Eradicating graft and corruption (+38)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.