Marina naghahanda na sa pagpapa-uwi sa mga stranded seafarer sa India
Kumikilos na ang Maritime Industry Authority (Marina) para saklolohan ang 21 Pinoy seafarers na stranded ngayon sa India.
Ginawa ng Marina ang pahayag matapos na makarating sa kanila ang report ng Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol sa 21 Filipino crew ng MV Evangelia M na tatlong buwan nang stranded sa Kakinada Port matapos na abandonahin ng employer nilang Griego.
Ayon sa Marina, nakikipag-ugnayan na sila sa recruiter ng mga Pinoy para tulungang makuha ang kanilang natitirang sahod at makauwi na sa Pilipinas.
Inaalam na rin ng Marina mula sa mga otoridad sa India ang pagkakakilanlan ng mga Pinoy seafarers at kalagayan ng kalusugan ng mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.