Uber, tumatanggap na rin ng cash

By Jay Dones November 04, 2015 - 04:11 AM

 

Inquirer file photo

Bilang ‘experimento’ sa kanilang serbisyo, tumatangaap na rin ng ‘cash’ ang ride-sharing app na Uber.

Dati, maari lamang makuha ng serbisyo ng Uber sa pamamagitan ng pakikipagtransaksyon gamit ang credit card.

Ayon kay Laurence Cua, general manager ng Uber Philippines, bahagi ang plano ng kanilang hangaring mapalawak pa ang kanilang nabibigyan ng serbisyo.

Paliwanag nito, sa oras na gamitin ng isang pasahero ang kanilang application, maari nitong piliin ang ‘cash payment option’ at bayaran ang driver ng sasakyan sa pagtatapos ng kanyang biyahe.

Bago ipatupad ‘on trial basis’ sa Metro Manila, ginagamit na ang ‘cash payment option’ sa India, Kenya, Saudi Arabia, at Vietnam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.