Paggamit sa religious images para pagtaguan ng iligal na droga kinondena ng Church officials
Kinondena ng mga opisyal ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang insidente ng paggamit religious image para pagtaguan ng iligal na droga.
Ito ay matapos masabat ng Bureau of Customs (BOC) sa isang cargo inspection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasa 2.21 kilo ng shabu na nakasilid sa framed image ng Birheng Maria.
Kinondena ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang insidente at sinabing hindi dapat gamitin ang mga bagay sa Simbahan tulad ng imahe ng mga Santo sa mga masasamang aktibidad.
“Sana hindi gamitin ang mga bagay sa ating Simbahan tulad ng mga Santo para gumawa ng masama,” ayon kay Vergara.
Sinabi naman ni Fr. Melvin Castro, chancellor ng Diocese of Tarlac na isang sacrilegious action ang ginawa ng mga kriminal.
Mariin itong kinondena ni Castro at nanawagan itong ilayo ang religious values sa mga kahindik-hindik na gawain.
“It is strongly condemnable and it is a sacriligeous action. Spare religious values from despicable acts,” ani Castro.
Ang nakakumpiskang droga na sinasabing nagmula sa Thailand, US, Africa at Pakistan ay nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.