Pananambang sa mga PDEA agent sa Lanao kinondena ni Dir. Gen. Aaron Aquino

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 06:59 PM

Kinondena ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagpaslang sa kanilang ahente sa Lanoa Del Sur.

Kasabay nito, nagpahatid ng pakikiramay si PDEA Director General Aaron Aquino sa pamilya ng mga nasawi.

Ayon kay Aquino hindi katanggap-tanggap ang ginawa sa mga ahente ng PDEA.

Tiniyak ni Aquino sa pamilya ng mga bitkima na agad magsasagawa ng imbestigasyon para matukoy ang nasa likod ng pananambang.

“This act of inhumanity and cowardice, taking the lives of our comrades in a surprise attack, will not just pass as another common incident in our day to day operations on the fight against illegal drugs,” ani Aquino.

Sinabi ni Aquino na gagawin nila ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.

Lalo din aniya nilang palalakasin pa ang kanilang mga kampanya laban sa ilegal na droga.

Sinabi ni Aquino na ang pagkamatay ng kanilang mga ahente ay higit pang nagbigay sa kanila ng lakas para ipagpatuloy ang war on drugs sa halip na magpatakot sa banta ng mga sindikato.

“Kami po ay taos-pusong nakikiramay sa pamilya ng mga kasamahan nating nabiktima ng karahasang ito. Lalo lamang pong pagpapatunay ito na ang ating ginagawang pagbabantay kontra droga ay nararamdaman ng mga kriminal na ito,” dagdag pa ni Aquino.

TAGS: ambush incidents, Lanao Del Sur, PDEA agents, ambush incidents, Lanao Del Sur, PDEA agents

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.