U-turn slot sa Commonwealth Ave. kanto ng Don Antonio isasara ng MMDA
Dahil pa rin sa nagpapatuloy na konstruksyon ng MRT-7 isasara ng MMDA simula bukas, araw ng Sabado.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, sisimula ng alas 10:00 ng gabi ng Sabado ang closure.
Ani Garcia, kailangang magtiis pa ng publiko sa matinding traffic sa Commonwealth Avenue dahil sa MRT-7 project.
Ito naman aniya ay magiging long term solution sa sandaling matapos na ang konstruksyon.
Sa pagtatapos ng 2019 inaasahang matatapos na ang MRT-7 na tatahak mula San Jose Del monte sa Bulacan hanggang North Avenue sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.