Record-high na inflation isinisi ng Malakanyang sa mataas na presyo ng langis
Isinisi ng Malakanyang ang naitalang record-high na 6.7 percent September inflation sa mataas na presyo ng langis.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang paglobo ng inflation ay dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Gumagawa naman aniya ng hakbang ang pamahalaan para kahit papaano ay matugunan ang inflation gaya na lamang ng pag-aangkat ng bigas.
Tuluy-tuloy din aniya ang pagkilos ng gobyerno para makahanap ng sariling mapagkukuhanan ng langis at kasama sa opsyon ay ang joint exploration sa West Philippine Sea.
Kung ang Pilipinas aniya ay magkakaroon ng sariling source ng produktong petrolyo ay bababa ang halaga ng langis sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.