Inflation rate, sumipa pa sa 6.7% para sa buwan ng Setyembre
By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 09:15 AM
Pumalo pa 6.7 percent ang inflation rate para sa buwan ng Setyembre 2018.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ito na ang pinamabilis na pagtaas na naitala sa nakalipas na siyam na taon.
Noong February 2009 naitala ang 7.2 percent na inflation sa bansa.
Sinabi ni National Statistician, Usec. Lisa Grace Bersales, maituturing na top contributor sa September inflation ang pagkain, non-alcoholic beverages, housing, water, electricity, gas, at transportasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.