Asawa ng dating PM ng Malaysia kinasuhan ng money laundering at tax evasion

By Justinne Punsalang October 05, 2018 - 12:25 AM

AP

Kinakaharap ngayon ng asawa ng dating Prime Minister ng Malaysia ang mga kasong money laundering at tax evasion matapos masangkot sa multi-bilyong scandal.

Not guilty ang plead ni Rosmah Mansor, na asawa ni dating Malaysian Prime Minister Najib Razak, sa 17 kaso ng money laundering at tax evasion. Bukod pa ito sa mga kinakaharap na kaso ng kanyang asawa dahil sa pandarambong sa kaban ng bansa.

Sakaling mapatunayang guilty sa naturang mga kaso, ay posibleng makulong panghabambuhay si Rosmah.

Matapos na magpalipas ng gabi sa loob ng piitan ay pinayagan si Rosmah na magbayad ng USD480,000 na piyansa, ngunit ipinasuko ng mga otoridad ang kanyang pasaporte upang hindi makalabas ng bansa.

Si Rosmah ay kilala sa kanyang pagiging maluho. Dito rin nag-ugat ang mga alegasyong kinuha ng kanyang asawang si Najib at kanyang mga kaalyado ang bilyun-bilyong pondo mula sa bayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.