2 official ng NBI guilty sa paglustay sa perang ibinayad para sa NBI clearance
Guilty sa kasong Graft at Malversation charges ang dalawag opisyal ng National Bureau of Investigation makaraang mapatunayang ibinulsa nila ang halos ay isang milyong piso na nakulekta sa mga kumukuha ng NBI clearance.
Sa kanyang 20-page decision, sinabi ni Quezon City Regional Trial Court Branch 226 Judge Manuel Sta. Cruz Jr. na nagsabwatan sina Quezon City NBI satellite office Chief Ramil Rodriguez at ang Chief Cashier na si Elizabeth Sobrevilla sa nasabing krimen.
Noong taong 2006 sa pamamagitan ng surprise cash inspection ay nabuking ang kanilang modus.
Umaabot sa 120 booklets ng mga NBI clearance na may kabuuang 8,195 piraso ng mga certificate ang hindi nila idineklara base sa ginawang imbentaryo ng NBI Headquarters.
Bagama’t nakapag-issue sila ng mga official receipts ay nabigo naman silang mai-turnover sa NBI office ang halagang umaabot sa halos ay isang milyong piso.
Nang taon ding iyun ay inirekomenda ng Offfice of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban kina Rodriguez at Sobrevilla.
Bukod sa sampung taong pagkaka-kulong, inutusan din ng hukuman ang dalawang opisyal na ibalik sa pamahalaan ang nawawalang halaga na umaabot sa P942,425.
Hindi na rin papayagang magkaroon ng pwesto sa alinmang tanggapan ng pamahalaan sina Rodriguez at Sobrevilla bukod pa sa forfeited na rin ang lahat ng kanilang mga benepisyo sa panahong ipinaglingkod nila sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.