Mahigit P600M refund sa mga consumer ng isang electric cooperative sa Iloilo, dapat nang ibigay ayon sa isang kongresista

By Erwin Aguilon October 04, 2018 - 09:00 PM

Igininiit ni Paranaque Rep. Gus Tambunting na dapat ibalik ng Panay Electric Company o PECO ang P631M sa mga consumers nito na nauna ng iniutos ng Energy Regulatory Commission.

Ayon kay Tambunting na miyembro ng House Legislative Franchise, mayroon sapat na assets ang PECO para icover ang nasabing refund.

Taong 2004 pa anya nang iutos ng ERC ang refund matapos lumabas sa kanilang imbestigasyon na tumaas ng halos 1,000 porsiyento ang singil sa kuryente ng kumpanya dahil sa kanilang ginawang bagong metering scheme.

Ang nasabing overbilling at iba pang mga reklamo sa serbisyo ng PECO ang isa sa tinitignan ng House Legislative Franchises Committee para ideny ang renewal ng 90 taong prangkisa nito.

Samantala, iginiit ni Tambunting na hindi na dapat irenew pa ng dagdag na 25 taon ang prangkisa ng PECO, ang nagiisang electric supplier sa Iloilo City.

Paliwanag nito, bigo ang PECO na gampanan ang tungkulin na bigyan ng maayos na serbisyo ang mga consumer.

hindi anya dapat magtiis ang mga taga Iloilo sa mababang kalidad na klase ng serbisyo ng PECO kung mayroon namang ibang player na maaaring magbigay ng mas magandang serbisyo sa mas mababang rate.

Ang prangkisa ng PECO ay nakatakdang magexpire sa Enero 2019 at nakabinbin ang aplikasyon nito sa Kamara para sa renewal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.