Nagpasaklolo na kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang grupo ng mga empleyado ng Panay Electric Company (PECO) para hilingin ang tulong nito sa pagbigay ng patas na pagtrato sa kanilang employer upang mapalawig muli ang kanilang prangkisa.
Sa appeal-letter ng PECO Employees and Workers Association (PECEWA) kay Speaker Arroyo, kanilang iginiit na ang posibleng hindi pag-renew ng kongreso sa prangkisa ng PECO ay magreresulta sa malawakang pakatanggal sa trabaho ng maraming empleyado.
Kanila ring iginiit na ang More Minerals Corporation (MMC), ang bagong player na nagnanais na pumasok sa lungsod ng Iloilo para makapag-operate ay walang track record sa power distribution.
Noong Setyempre 17 ng taong kasalukuyan nang aprubahan ng House legislative franchise committee ang House bill 8132 o ang prangkisa ng MMC.
Nabatid na Agosto 22 nang ihain ni Paranaque Rep. Gus Tambunting ang panukalang batas samantalang ang panukala naman sa franchise renewal ng PECO ay noong nakaraang taon pa inihain pero nakabinbin pa rin sa komite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.