Iniulat ng Department of Budget and Management na nai-release na nila ang kabuuang P3.528 Trillion o katumbas ng 94-percent sa P3.767 na national budget para sa taong 2018.
Ipinaliwanag ni Budget Sec. Benjamin Diokno na naging maingat sila pero mabilis sa paglalabas ng pondo para maipatupad ng maayos at takda sa panahon ang mga proyekto ng pamahalaan.
Binigyang-diin rin ng kalihim na sa unang linggo pa lamang ng 2018 ay nailabas na nila ang halos ay 79-percent ng pambansang pondo alinsunod sa allotment-order-policy na nakapaloob sa General Appropriation Act.
Ang pondo para sa mga malalaking proyekto tulad ng mga infrastructure projects ay nailabas noong nakalipas na buwan ng Setyembre ayon pa sa kalihim.
Kabilang sa mga malalaking proyekto ng pamahalaan ay ang P1.1 Billion subsidy para sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization.
Sinabi ng DBM na kasama rin dito ang P2.6 Billion na pondo para sa National Housing Authority na kinabibilangan ng pabahay para sa mga uniformed personnel ng PNP at AFP.
Naglaan rin ang pamahalaan ng halos ay P6 Billion para sa modernization ng mga kagamitan ng militar.
Iniulat rin ng DBM na umaabot sa P964.5 Billion ng pambansang pondo ang inilaan sa automatic appropriations.
Kabilang dito ang pondo para sa Internal Revenue allotment (IRA), interest payments at pambayad sa retirement at insurance premiums.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.