Kalidad ng buhay ng mga Pinoy, lumala ayon sa bagong SWS survey

By Len Montaño October 04, 2018 - 04:55 AM

Naniniwala ang maraming Pilipino na lumala ang kalidad ng kanilang buhay batay sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na ginawa mula September 15 hanggang 23, nasa 30% ng respondents ang nagsabi na lumala ang kanilang buhay habang 28% ang nagsabi na bumuti naman ang kanilang buhay.

Ito ay 7 puntos na pagbaba sa net gainers score na mula “high” +5 noong Hunyo sa -2 noong Sityembre.

Samantala, maraming Pinoy ang umaasa pa rin ng improvement sa kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.

Nasa 36% naman ang umaasa na bubuti ang kalidad ng kanilang personal life sa loob ng 1 taon habang 9% ang nagsabing lalala pa ito.

Ito ay 17 puntos na pagbaba sa net personal optimists score mula +44 noong Hunyo sa +27 noong nakaraang buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.