1 patay, 2 naaresto sa PNP operations sa Tondo Maynila
Nagsagawa ng anti-illegal firearms at carnapping operations ang mga tauhan Philippine National Police sa Baseco Compund sa Tondo Maynila.
Ang operasyon ay isinagawa, Martes ng umaga ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), Highway Patrol Group (HPG), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at ng Regional Public Safety Battalion ng NCRPO.
Hinalughog ng mga otoridad ang anim bahay ng anim na indibidwal na hinihinalang nagtatago ng mga hindi lisensyadong mga armas.
Ayon kay MPD Station 5 Commander Col. Albert Barot, isa ang patay at dalawa ang kanilang naaresto matapos manlaban ang mga suspek na sisilbihan sana sa existing na search warrant.
Narecover naman mula sa mga suspek ang isang kalibre .45 baril, isang .357, isang pistolized .22 at .38 revolver.
Narecover din ang walong motor na isasailalim sa beripikasyon dahil posibleng carnap umano ang mga ito.
May nasabat din na 80 gramo ng shabu mula sa mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.