#TyphoonQueenie lalo pang humina; posibleng lumabas na ng PAR bukas
Patuloy na humina ang Bagyong Queenie habang kumikilos sa direksyong Hilaga-Hilagang Kanluran.
Sa 11pm weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 695 kilometro Silangan-Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.
Sa ngayon ay taglay na lang ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Hindi pa rin inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo.
Gayunman, inaasahan itong magdadala ng mahina hanggang sa paminsan-minsan ay katamtamang mga pag-ulan sa eastern section ng bansa.
Dahil sa bagyo ay nakataas ang gale warning o mapanganib ang paglalayag sa northern at western seaboards ng Northern Luzon at seastern seaboards ng Luzon at Visayas.
Posibleng bukas ng gabi o Biyernes ng umaga ay lumabas na ang Bagyong Queenie sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.