Nominasyon bilang chief justice tinanggap ni Carpio
Walang nakikitang dahilan si Senior Associate Justice Antonio Carpio para tanggihan ang kanyang automatic nomination bilang chief justice ng Korte Suprema.
Mababakante ang chief justice position dahil sa mandatory retirement ng kasalukuyang Punong Mahistrado na si Teresita Leonardo-De Castro sa susunod na linggo.
Isa si Carpio sa five most senior associate justices ng Supreme Court na may automatic nomination sa chief justice post.
Pero kailangan nilang tanggapin ang nominasyon bago sila makunsidera ng Judicial and Bar Council (JBC) bilang kandidato.
Noong naghahanap ng kapalit ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, tumanggi si Carpio sa nominasyon dahil ayaw umano nitong makinabang sa proseso na kanyang tinutulan.
Isa si Carpio sa mga mahistrado na nag-dissent sa desisyon ng Supreme Court noong May 11 na nagpatalsik kay Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition ni inihain ni Solicitor General Jose Calida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.