Abaya, Honrado at iba pa, kinasuhan sa Ombudsman dahil sa ‘tanim-bala’
Nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), grupo ng mga Travel Agencies at si Senator Alan Peter Cayetano laban sa mga opisyal ng gobyerno na namamahala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay kaugnay sa dumaraming kaso ng tanim-bala o laglag-bala na ayon sa VACC ay maituturing na extortion scheme ng mga opisyal sa airport.
Sa joint complaint affidavit nina VACC founding chairman Dante Jimenez, Network of Independent Travel Agents (NITAS) Chairman Robert Lim Joseph at Cayetano, kabilang sa mga inireklamo sina Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Emilio Abaya, Manila International Airport Authority (MIAA) Gen. Manager Jose Angel Honrado, Office of Transportation Security (OTS) administrator Roland Recomono, & PNP Avsegroup Dir. Pablo Balagtas.
Sa inihaing petisyon, hiniling sa Ombudsman na agad mapatawan ng preventive suspension ang mga nabanggit na respondents.
Nais din ng mga petitioners na magsagawa ng imbestigasyon para matukoy ang pananagutang criminal at adminsitratibo ng mga opisyal ng gobyerno at ang agarang pagsibak kina Abaya, Honrado, Recomono at Balagtas kapag napatunayang nagpabaya sila sa tungkulin.
Kapabayaan umano sa panig ng nabanggit na mga opisyal sa ilalim ng ‘command responsibility principle’ kung bigo silang agad na matukoy ang mga sangkot sa tanim-bala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.