Mga mambabatas may kani-kaniyang reaksyon sa pagbibitiw ni Uson
Umani ng iba’t ibang reaksyon dito sa Kamara ang pagbibitiw sa puwesto sa PCOO ni Mocha Uson.
Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, long overdue na ang resignation ni Uson.
“Too little, too late” na aniya ang resignation ni Uson dahil matagal nang ipinanawagan ang pagbibitiw nito sa pwesto.
Bagamat nabahiran na ng lason ang gobyerno sa mga isyung kinasangkutan ni Uson, ‘whiff of fresh air’ pa rin namang maituturing ang pagbibitiw nito sa pwesto.
Tama lamang anya ang pagbibitiw ni Mocha dahil ayaw nitong maging accountable sa kanyang ginagawa bukod pa sa hindi nito inirerespeto ang kanyang tanggapan.
Inihalintulad pa sa “demonyo” ni Villarin si Uson sa pagiging arogante at sa mga kalokohan nito.
Tinawag namang salot ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat si Uson para kay Pangulong Duterte si Uson dahil sa mga maling impormasyon at eskandalo na dulot nito sa pamahalaan tulad ng federalism information drive kaya tama lamang ang pagbibitiw nito sa puwesto.
Bukod pa sa sayang lamang naman ang ibinabayad sa kanya ng gobyerno at wala itong pakinabang sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.