Pagbibitiw ni Mocha Uson tinanggap na ni Pang. Duterte
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni PCOO Asec for Social Media Mocha Uson.
Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, Martes pa niya iniabot sa pangulo ang resignation letter ni Uson.
Dagdag ni Go, bago pa man nagsumite ng resignation letter, tinawagan na siya ni Uson habang nasa New York ito para dumalo sa United Nnations General Assembly.
Hindi naman aniya irrevocable resignation ang ipinasa ni Uson subalit nakasaad sa kanyang liham na ayaw na niyang maging pabigat sa administrasyon.
Nilinaw naman ni Go na wala sa sangay ng ehekutibo ang nag-pressure kay Uson para magbitiw sa puwesto.
Ayon kay Go, nagpapasalamat ang administrasyon sa serbisyo na ibinigay ni Uson lalo’t naging mabuti itong kaalyado ng pangulo.
Nagpaabot din ang Malakanyang ng “good luck” kay Uson sa kung anong hakbang ang susunod na tatahakin nito.
Matatandaang lumakas ang panawagan ng pagbibitiw ni Uson nang maging kontrobersyal at maging viral ang “Pepe Dede Ralismo” video nil ani Drew Olivar.
May 8, 2017 nang italaga ni Pangulong Duterte si Uson sa PCOO.
Pero bago naitalaga sa PCOO, itinalaga muna ng pangulo si Uson bilang board member ng MTRCB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.