Inflation rate at epekto nito sa publiko bubusisiin sa senado

By Jan Escosio October 03, 2018 - 11:28 AM

Nais ng mga senador na mahimay ng husto ang bagong inflation target ng gobyerno para malaman kung ano ang magiging epekto nito sa mamamayan.

Sinabi ni Sen. Win Gatchalian, chairman ng committee on Economic Affairs, maghahain sila ng resolusyon para malaman din ang magiging epekto nito sa budget at mga polisiya ng gobyerno.

Ayon kay Gatchalian hindi pa rin nagbabago ang kanyang posisyon hinggil sa mga panawagan na suspindihin muna ang pagpapatupad ng tax reform package ng gobyerno.

Aniya ang suspensyon sa TRAIN Law ay sasang-ayunan niya kapag hindi na umubra ang lahat ng ayuda at hakbang ng gobyerno para maibsan ang epekto nito sa masa.

Partikular niyang iniintindi ay ang isyu sa mataas na presyo at kulang na suplay ng bigas at sinabi ni Gatchalian na hihintayin niya ang epekto ng pag angkat pa ng milyong-milyong sako ng imported rice.

Nabanggit din ni Gatchalian na maaring maghain din ng resolusyon para tingnan ang patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.

TAGS: Inflation, Radyo Inquirer, Senate, Inflation, Radyo Inquirer, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.