Pagbabalik sa pwesto ng suspendidong gobernador sa Camarines Norte, kinatigan ng CA

By Ricky Brozas October 03, 2018 - 10:53 AM

Nakatakda nang bumalik sa tungkulin anumang araw mula ngayon ang sinuspindeng gobernador ng Camarines Norte na si Edgardo Tallado.

Iyan ay makaraang katigan ng Court of Appeals special 7th Division ang petition for review ng gubernador sa dismissal order ng Ombudsman laban sa kanya may kinalaman sa kasong grave misconduct and abuse of authority na isinampa ni dating Camarines Norte Provincial veterinarian Edgardo Gonzales na kumumustiyon sa kanyang “second re-assumption”.

Ayon sa Appellate Court, hindi grave misconduct kundi simple misconduct lamang ang nagawa ni Tallado at ito ay may katumbas lamang na isang buwan at isang araw hanggang anim nabuwang suspensiyon.

“In fine, petitioner should only be held liable for simple misconduct. Simple misconduct is punishable under Section 46(D) (2) of the Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service (RRACCS) with suspension of (1) month and one (1) day to six (6) months,” nakasaad sa resolusyuon.

At dahil hindi kaagad nakatalima si Tallado sa utos CA sa desisyon nito noong May 12, 2016 ay isinagad ng appellate court sa anim na buwan ang suspensyon.

“WHEREFORE, in view of the foregoing case, the instant petition for review is PARTIALLY GRANTED. Petitioner Edgard A. Tallado is found guilty of Simple Misconduct and is meted the penalty of suspension of six (6) months.” ayon pa sa CA

Ipinaliwanag ng tagapagsalita ng gobernador na si Sherwin Mata kung bakit ‘partially granted’ ang naging desisyon ng CA sa petition for certiorari ni Tallado sa Ombudsman decision.

Ayon sa desisyon ng CA Special Special 7th Division, napagbayaran na ni Tallado ang anim na buwang suspensyon simula ng boluntaryo itong bumaba sa pwesto noong Marso 14, 2018.

Ayon kay Mata, hinihintay na lamang nila ang kautusan ni DILG Secretary Eduardo Año para sa pagbabalik-trabaho ng gobernador.

Bago ang inaabangang pagbabalik-kapitolyo ni Tallado, papangunahan muna nito ang proclamation rally ng mga kapartido nito sa ika-5 ng Oktubre, limang araw bago ang filing of certificate of candidacy mula Oktubre 11-17, 2018 para sa 2018 Midterm elections.

TAGS: Camarines Norte, Gov. Edgar Tallado, Radyo Inquirer, Camarines Norte, Gov. Edgar Tallado, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.