Petisyon ng dating ministro na umano’y ikinulong sa INC compound, dinirinig na ng Court of Appeals

By Ruel Perez November 03, 2015 - 10:45 AM

12212363_921776731222219_1856279331_nIsinalang sa pagdinig ng Court of Appeals (CA) ang inihaing petisyon ng dating ministro ng Iglesia Ni Cristo na si Lowell Menorca II.

Ang hearing ng CA ay kaugnay sa petition for the issuance of Writ of Habeas Corpus at Writ of Amparo para kay Menorca at kaniyang pamilya na umano ay ikinulong sa INC compound.

Inaasahan na dadalo sa hearing si Menorca at kanyang pamilya, pati na ang kasambahay na kasamang ikinulong.

Posible namang walang dumalo mula sa panig ng pamunuan ng INC dahil wala umanong natanggap na utos mula sa korte ang mga Sanggunian members na sina Radel Cortez, Bienvenido Santiago at Rolando Esguerra.

Hindi rin umano sila nakatanggap ng kopya ng resolusyon ng Korte Suprema na inilabas noong Oktubre 23 na nag-uutos na maibalik ang usapin sa CA at maisagawa ang nasabing pagdinig.

Inaasahan na hihilingin ng abugado ng INC ang dagdag na panahon para makapagsumite ng kanilang sagot.

Samantala sa labas ng CA nasa limampung mga INC members na nakasuot ng barong ang nagtitipun-tipon at nag-aabang din sa isasagawang pagdinig.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang na ito habang dinirinig ng CA ang petisyon.

TAGS: CAhearsLowellMernoca'sPetition, CAhearsLowellMernoca'sPetition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.