Mga smuggled na gulong at iba pang kontrabando ng nasabat ng BOC

By Ricky Brozas October 03, 2018 - 02:00 AM

Tinatayang aabot sa P8 milyong halaga ng smuggled items ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port.

Kabilang sa nasabat ang dalawang 40-footer containers na pawang misdeclared at naglalaman ng 500 piraso ng gulong na nagkakahalaga ng P3 milyon.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, kanilang ipaghaharap ng reklamong smuggling at paglabag sa Customs and Tariff Code ang consignee na NSGV Trading.

Paliwanag ni Lapeña, misdeclared din ang isang 40-footer container van mula sa D3S Trading na naglalaman pala ng 18 drum ng glycerol chemicals, mga loptop, at mga cellphones na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.

Nasabat din ng BOC ang 885 master cases ng Chunghwa cigarettes na ang consignee ay Maxafrica Manufacturing na galing ng South Korea.

Noon pa umanong 2017 inabandona ang mga ang smuggled na sigarilyo.

Ipinag-utos na rin Lapeña ang pagtanggal sa accreditation ng mga importer at Customs broker ng NSGV at ng DS3 Trading.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.