Mga miyembro ng SPARU ng NPA pinapapatay ni Pangulong Duterte
Neutralization at hindi crime prevention ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo kapag may nakasalubong na Special Partisan Unit (SPARU) ng New People’s Army (NPA).
Sa talumpati ng pangulo Camp Juan Ponce Sumuroy Catarman, Northern Samar kahapon, sinabi nito na hindi na kailangan ng mga sundalo na kumuha ng warrant of arrest para patayin ang mga SPARU.
Kapag kasi aniya nakita ng mga sundalo na may nakasukbit na kalibre 45 o 9mm na baril, dapat nang unahan ng mga ito ang mga kalaban.
Hinimok pa ng pangulo ang mga sundalo na buhusan o tutukan ang intelligence gathering laban sa mga SPARU.
Tiniyak ng pangulo na hindi niya pababayaan ang mga sundalo hangga’t siya pa ang nakaupo sa Malacañan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.