Kumpirmasyon ng AFP sa amnesty application ni Trillanes walang bigat ayon sa Malacañan

By Chona Yu October 03, 2018 - 12:50 AM

Inquirer Photo | Julie Aurelio

“Hindi ka abogado.”

Ito ang naging tugon ng Palasyo ng Malacañan sa pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez na nag-apply ng amnestiya si Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang bigat ang naging pahayag ni Galvez kahit siya pa ang pinakamataas na opisyal sa AFP dahil mananaig pa rin ang tinatawag na best evidence rule.

Ibig sabihin, ang kopya pa rin ng application for amnesty ang kailangang makita at maipresinta sa korte.

Tiniyak pa ni Roque na hindi kakampihan ng Palasyo si Galvez sa naturang isyu, kaysa sa pahayag ng isang experienced na judge ng Makati City Regional Trial Court (RTC) na walang aplikasyon si Trillanes.

Iginiit pa ni Roque na hindi pa si Galvez ang chief of staff noong 2007 kung kailan nag-apply si Trillanes ng amnesty, kaya hindi nito direktang alam ang sirkumstansiya ng mga pangyayari.

Sinabi pa ni Roque na tapos na sana ang boksing kung nakapagpresinta na si Trillanes ng kopya ng kanyang aplikasyon sa amnestiya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.