Dalagita hinahanap matapos mahulog sa tulay sa Rizal
Pinaghahanap ng mga otoridad ang isang dalagita matapos itong mahulog sa Fishport Floodway sa Taytay, Rizal.
Ayon kay Taytay Municipal Police Chief, Police Superintendent Christipher Peña, 14 na taong gulang na dalagita ang biktima.
Sinasabing nakikipag-inuman ang dalagita kasama ang ilang mga kabataang lalaki.
Nag-aasaran umano ang mga ito, dahilan upang mahulog ang dalagita sa floodway.
Alas-8:30 kagabi pa nang nai-report ang tungkol sa insidente at hanggang sa ngayon ay patuloy ang rescue operations upang mahanap ang dalagita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.