Trillanes at Pangilinan, hindi nakipag-alyansa sa CPP para sa “Red October”
Mistulang nilinis ng Armed Forces of the Philippines and dalawang opposition senators na sina Antonio Trillanes IV at Kiko Pangilinan sa umano ay “Red October” ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pagdinig ng Senate committee on finance, tahasang tinanong ni Trillanes si AFP Chief of Staff Carlito Galvez kung siya ba at si Pangilinan ay sangkot sa ouster plot.
Sagot ni Galvez, ang plano ay gawa ng CPP-NPA at nais nilang makipag-alyansa sa oposisyon.
Muling tinanong ni Trillanes si Galvez kung batay ba sa intelligence report na nakuha ng AFP ay nakipagsabwatan ba sila sa CPP?
Sagot ni Galvez, “Nos sir”.
Ani Trillanes malabong mangyari ang pakikipag-alyansa ng oposisyon sa CPP.
Hindi din umano nila gusto at hindi kukunsintihin ang ginagawa ng mga rebelde na pagpatay sa mga sundalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.