Special courts para sa Dengvaxia cases hiniling ng PAO sa SC

By Justinne Punsalang October 02, 2018 - 05:20 AM

Hiniling ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Korte Suprema ang pagbuo ng special courts na silang didinig sa mga kasong sibil at kriminal na mayroong kaugnayan sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Sa apat na pahinang liham na may petsang May 8, 2018 at naka-address kay dating Acting Chief Justice Antonio Carpio at Court Administrator Jose Midas Marquez, sinabi ng PAO na layunin ng pagbuo ng special courts ang makaiwas sa magkakaibang desisyon kung didinggin ang mga kaso sa iba’t ibang mga regional trial court (RTC).

Partikular na hiniling ng PAO, sa pangunguna ni Deputy Chief Public Attorney Ana Lisa Soriano, ang pagkakaroon ng special court sa Manila RTC at sa Quezon City RTC.

Ayon sa PAO, anim na kasong kriminal, kabilang ang reckless imprudence resulting in homicide and torture, at apat na kasong sibil ang naisampa na sa QC RTC.

Samantala, 17 kasong kriminal naman ang isinampa ng PAO sa Department of Justice (DOJ) laban sa kina Health Secretary Francisco Duque, dating Health Secretary Janette Garin, Sanofi Pasteur, Zuellig Pharma, at iba pang mga opisyal ng Department of Health (DOH).

 

TAGS: Dengvaxia, PAO, SC, Dengvaxia, PAO, SC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.