Bilanggong Pinoy posibleng sumali sa mass jailbreak sa Sulawesi, Indoesia – DFA

By Justinne Punsalang October 02, 2018 - 05:03 AM

AP

Sinasabing kabilang ang isang Pilipinong bilanggo sa mga tumakas sa Lapas Penitentiary matapos itong masira ng magnitude 7.4 na lindol na sinundan pa ng tsunami sa Central Sulawesi, Indonesia.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inaalam na ng ahensya ang kinaroroonan at kalagayan ng naturang Pinoy na kabilang umano sa daan-daang mga bilanggong tumakas sa piitan.

Unang iniulat ni Philippine Consulate General Oscar Orcine na ligtas ang naturang Pinoy, ngunit makalipas ang karagdagang kumpirmasyon ay nabatid na tumakas pala ito.

Ngunit pagtitiyak ni Orcine, nakikipag-usap na siya sa mga otoridad ng Indonesia upang mahanap ang Pinoy. Sa ngayon aniya ay mahirap pa rin ang sitwasyon sa lugar dahil hindi pa rin naibabalik ang kuryente at linya ng komunikasyon.

Taong 2011 nang makulong ang Pinoy matapos mahulihan ng shabu. Hanggang 2021 ang sintensya ng Pilipinong bilanggo.

Samantala, sa huling datos, umabot na sa 1,203 ang bilang ng mga nasawi dahil sa lindol at tsunami na tumama sa Central Sulawesi.

TAGS: indonesia, Sulawesi, indonesia, Sulawesi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.