Hindi pa binabawi ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang access pass na inisyu kay Acts-OFW Partylist Rep. John Bertiz.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na nasa pagpapasya na ni Bertiz kung isasauli ang access pass.
Kabilang umano ang mga mambabatas sa binibigyan ng nasabing special pass ng MIAA.
Paglilinaw ni Monreal, hindi nangangahulugan na kapag may access pass ang isang mambabatas ay maaring hindi na sumunod sa security protocol.
Aminado si Monreal, hindi pa napapagasyahan ng MIAA kung babawiin o hindi na bibigyan ng access pass si Bertiz.
Sa ngayon aniya, nag-sorry na sa kanya si Bertiz kaugnay sa nasabing insidente.
Nauna dito ay nagkasa na rin ng sariling imbestigasyon sa insidente ang House Ethics Committee at maaaring simulan na nila ang imbestigasyon sa susunod na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.