Pinabulaanan ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na nagsumite na ng resignation letter si Asec. Mocha Uson.
Pahayag ito ni Andanar matapos lumutang ang ulat na magbibitiw na sa puwesto ang PCOO official.
Ayon kay Andanar, hindi niya maaring pangunahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsibak kay Uson.
Sa panig ni Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi nito na walang impormasyon na natatanggap ang palasyo hinggil sa pagbibitiw ni Uson.
Katwiran pa ni Roque, hiwalay na tanggapan ang PCOO sa Office of the Presidential Spokesman kaya makabubuti aniyang si Andanar ang sumagot nito.
Nauna dito ay inulan ng puna mula sa kanyang mga kasamahan sa PCOO si Uson kaugnay sa ilan sa kanyang mga viral video na umano’y nakakasira sa ilang proyekto ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.