Mga tiwaling opisyal ng gobyerno nagsasabwatan para ipahiya ang mga BOC at Port officials
Nagsasabwatan umano ang mga korap na mga opisyal ng gobyerno para hiyain ang mga opisyal ng Bureau of Customs o BOC na gumaganap lamang sa kanilang tungkulin.
Pahayag ito ng isang opiyal ng BOC na tumangging magpabanggit ng pangalan, bilang reaksiyon sa naganap na pagdinig noong Huwebes sa House Committee on Dangerous Drugs at Committee on Good Government hinggil sa drug shipment kung saan sinasabing itinago ang mga shabu sa apat na magnetic lifters na naipuslit sa Manila International Container port.
Nagmula aniya sa Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency at sa mismong BOC ang mga korap na opisyal na nagsanib-puwersa para manipulahin ang pagpasok ng sinasabing P6.8 Billion na shabu shipment sa bansa.
Halata din umanong ipinakikita sa naturang public hearing kung paano nag-“leaked” sa ilang indibiduwal ang intelligence information hinggil sa shipment.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang dalawang kumite sa kamara sa drug shipment na itinago umano sa apat na magnetic lifters na naglalaman ng shabu at naipuslit sa Manila International container port o MICP.
Ayon pa sa opisyal, nakalulungkot na nadadamay sa kahihiyan ang mga mabubuting opisyal ng BOC dahil lamang sa kagagawan ng iilang bulok na na opisyasl ng gobyerno.
Kasabay nito ay umaasa siyang sa bandang huli ay mabibigyan ng hustisya ng mga imbestigasyon sa kamara at Senate Blue ribbon committee ang mga hindi kasabwat sa drug shipment habang maparusahan naman ang mga responsible sa pagpuslit ng droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.