Pagbaba ng unemployment sa bansa, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng satisfaction ratings ni Pang. Duterte

By Chona Yu October 01, 2018 - 10:32 AM

Inquirer Photo

Naniniwala ang Malakanyang na ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabahong Filipino ang dahilan ng pagtaas ng satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong quarter ng taon.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, nakikita kasi ng publiko na sa kabila ng ingay sa pulitika, todo-trabaho ang administrasyong Duterte para matugunan ang pangangailangan ng taong bayan.

Bukod sa pagbibigay trabaho, tinututukan din aniya ng pangulo ang pagpapalakas ng demokrasya ng bansa.

Base Social Weather Stations survey na isinagawa noong Sept. 15 hanggang 23, 70 percent sa 1,500 na adults respondents ang nagsabi na kuntento sila sa pamamalakad ng pangulo.

TAGS: dahilan ng pagtaas ng satisfaction ratings, Pagbaba ng unemployment, Pangulong Duterte, Pilipinas, dahilan ng pagtaas ng satisfaction ratings, Pagbaba ng unemployment, Pangulong Duterte, Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.