Bilang ng mga nahulihan ng bala, umabot na sa 105 ngayong taon

By Kathleen Betina Aenlle November 03, 2015 - 06:36 AM

Laglagbala Phobia Nandy Ayahao
Photo Contributed By: Nandi Ahayao

Kung 12 lamang ang naitalang mga nahulihan ng bala sa mga paliparan noong 2014, umakyat naman sa 105 ang bilang ng mga nasabing kaso na naitala mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.

Ayon sa datos mula sa Philippine National Police Aviation Security Group o PNP-Avsegroup, tumaas ng 775% ang mga insidente ngayong taon kung ikukumpara sa nagdaang taon.

Ito na ang pinakamataas na bilang na naitala sa loob ng apat na taon.

Dahil naman sa pamamayagpag ng isyu ng tanim-bala o laglag-bala, hindi bababa sa 40 tauhan ng Office for Transportation Security ang isinailalim na sa imbestigasyon dahil sa mga alegasyon na may kinalaman sila dito.

Ayon sa tagapagsalita ng Manila International Airport Authority na si David de Castro, hindi naman basta-basta puwedeng sibakin sa pwesto ang mga nasabing tauhan dahil maaari silang ma-demoralize.

Gayunpaman tiniyak nila na tinanggalan na sila ng access sa paliparan bilang bahagi ng imbestigasyon.

TAGS: LaglagBala, tanimbala, LaglagBala, tanimbala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.