Mga kumpanya ng langis may higit P1 dagdag sa presyo ng produktong petrolyo bukas

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2018 - 09:00 AM

Inaunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang halaga ng itataas nila sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa Shell, magdaragdag sila ng P1.35 sa presyo ng kada litro ng diesel; P1.00 sa presyo ng kada litro ng gasolina; at P1.10 sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Epektibo ang naturang taas presyo bukas, October 2, alas 6:00 ng umaga.

Sa pareho ding oras at petsa, may parehong halaga ng dagdag ang mga kumpanyang Flying V at PTT.

Ito na ang ikawalong sunod na linggo na may dagdag presyo ang mga kumpanya ng langis.

Ngayong maghapon inaasahang mag-aanunsyo rin ng parehong halaga ng dagdag presyo ang iba pang mga kumpanya.

TAGS: oil companies, oil price hike, Radyo Inquirer, Shell, oil companies, oil price hike, Radyo Inquirer, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.