2 suspek sa ilegal na droga arestado sa Marikina

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2018 - 08:11 AM

EPD Photo

Arestado ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Marikina City.

Ayon kay P/Insp. Greco Gonzales, ikinasa ang operasyon sa V. Santos Street sa Baseball Field sa Barangay Sto. Niño.

Magkasunod na naaresto ang mga suspek na sina John Jasper Lakandula alyas “Jaz”, 35 anyos at Raven Nepumoceno alyas “Mata”, 20 anyos kapwa residente ng naturang barangay.

Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang Marikina City police na talamak ang bentahan ng ilegal na droga sa lugar sangkot ang dalawang suspek.

EPD Photo

Dahil sa impormasyon, nagkasa ng buy-bust ang mga pulis at dalawa ang nagpanggap bilang poseur buyer at bumili ng pakete ng hinihinalang shabu.

Nang maisakatuparan ang operasyon ay agad dinakip ang sina Jaz at Mata.

Sa Kabuuan, nakuha sa mga suspek ang anim (6) na pakete ng hinihinalang shabu, dalawang (2) P500 na ginamit bilang buy-bust money, isang (1) walang lamang kahon ng sigarilyo at isang (1) coin purse.

Sa kasalukuyan, ang mga suspek ay nakapiit sa himpilan ng Marikina PNP at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec 5 at sec 11 ng RA 9165.

TAGS: Marikina City, Radyo Inquirer, two drug suspects, Marikina City, Radyo Inquirer, two drug suspects

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.