Sen. Legarda, dismayado sa mabagal na paggamit ng QRF

By Kathleen Betina Aenlle November 03, 2015 - 04:37 AM

 

Inquirer file photo

Nasalanta na nga ng bagyo, maaari pang mabiktimang muli ang mga survivors ng bagyong Lando dahil sa mabagal na paggamit ng P15 bilyong disaster relief fund na nakalaang ipangtulong sa kanila.

Ito ay ayon kay Sen. Loren Legarda na chairman ng Senate committees on finance and climate change, dahil tila walang kakayahan ang mga ahensya ng gobyerno na may hawak dito na gamitin ito sa mabilis na paraan.

Dahil dito, hinihingan ni Legarda ng paliwanag ang mga ahensya ng gobyerno na may kaugnayan dito kung bakit hindi nila nagamit agad ang quick response funds (QRF) at ang disaster relief funds para ipangtulong sa mga biktima ng kalamidad bago pa man maaprubahan ang kanilang budgets para sa susunod na taon.

Ani Legarda, base sa datos ng Department of Budget Management ay mayroon pang P10.28 bilyon na natira sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund as of September.

Bukod pa ito sa P5.458 bilyon na hindi pa nagagamit sa P6.7 bilyong halaga ng QRF para sa 2015.

Dagdag pa ni Legarda, bagaman mayroon pang natitirang P15 bilyong natitira sa pondo ng gobyerno na nakalaan para ipang-tulong sa mga biktima ng kalamidad, hindi ito ginagamit at marami pa ring mga nasalanta ang hanggang ngayon ay nagdurusa dahil wala pa ring maayos na tirahan at hindi pa nababawi ang kanilang mga pangkabuhayan.

Nagsisilbing standby fund ang QRF upang gamitin ng pamahalaan para sa mga rehabilitation and relief programs sa tuwing may kalamidad sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.