DOTr, MIAA, at OTS pinag-aaralan na ang insidente sa NAIA na kinasangkutan ni Rep. Bertiz
Naglabas ang Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), at Office for Transportation Security (OTS) ng pahayag ukol sa insidenteng kinasangkutan ni ACTS OFW Representative John Bertiz sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay matapos magviral sa social media ang kuha ng CCTV security video sa NAIA Terminal 2 kahapon ng umaga, araw ng Sabado, kung saan mapapanood na tumanggi ang mamababatas na tanggalin ang kanyang sapatos habang sumasailalim sa security check ng paliparan.
Ayon sa joint statement, tiniyak ng mga kagawaran na kanilang masusing iniimbestigahan ang naturang insidente.
Nililikom at pinag-aaralan na anila ang lahat ng mga ebidensya katulad ng mga report, complaint, at mga kuha ng CCTV sa lugar.
Dagdag pa ng mga ahensya, pinag-aaralan na ng mga otoridad kung mayroon bang batas o protocol na nalabag dahil sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.