Work permit ng mga dayuhan sa bansa, iniimbestigahan ng DOLE

By Justinne Punsalang September 30, 2018 - 09:23 PM

Iniisa-isa na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga work permit na inisyu sa mga dayuhang nagtatrabaho sa Pilipinas.

Ito ay dahil sa pangambang naaagawan ang mga Pilipino ng trabaho.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, ipinag-utos na niya ang pagkansela sa mga work permit ng mga dayuhan na hindi nakasunod sa pamantayan ng ahenya.

Aniya, ang mga dapat lamang na bigyan ng work permit ay iyong mga nagtatrabaho sa larangang hindi kayang gawin ng mga Pinoy.

Aminado naman si Bello na bukod sa DOLE, mayroon pang ibang mga government offices na nagbibigay ng work permit, bukod pa ito sa mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa nang walang anumang hawak na permit.

Batay sa datos na hawak ng ahensya, mula 2015, nasa 115,000 na foreign work permit ang inisyu ng DOLE at 51,980 dito ay puro mga Chinese nationals.

Ngunit nauna nang sinabi noong September 19 sa budget hearing ng DOLE ni Senador Fraklin Drilon na mahigit 400,000 ang mga dayuhang nagtatrabaho sa Metro Manila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.