Rice permit fee sa mga supermarket pinatatanggal ni Senador Gatchalian sa NFA

By Justinne Punsalang September 30, 2018 - 06:12 PM

Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na tanggalin na ng National Food Authority (NFA) ang P115,000 rice permit fee sa mga supermarket.

Ito ay kasunod ng pagtuligsa ng senador sa plano ng ahensya na patawan ang mga retailers ng karagdagang bayan upang payagang makapagbenta ng murang bigas.

Matatandaang una nang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na sa mga darating na panahon ay maaari nang makabili ng NFA rice ang mga mamimili sa mga piling supermarket.

Ngunit sinabi naman ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association (Pagasa) Inc. na papatawan naman ng NFA ang mga retailers na mayroong start-up capital na P10 milyon na magbayad muna ng P115,000 halaga upang makapagbenta ng NFA rice.

Sa isang pahayag, tinawag ni Gatchalian ang naturang hakbang ng NFA na “uncoordinated” at “impractical.”

Aniya, tila taliwas ito sa gusto ng ahensya na maraming mga pamilihan ang makapagbenta ng murang bigas sa publiko.

Ayon pa sa senador, dapat lamang na buwagin na ang NFA dahil nagbibigay lamang ito ng karagdagang problema sa publiko.

Dagdag pa nito, sinabi na ng DTI na hindi naman nakasaad sa nilagdaang memorandum of agreement (MOA) kasama ang Pagasa Inc. ang hinihinging permit fee ng NFA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.